Saturday, August 4, 2007

gaserang lampara

hayyyy...

Alam niyo ba yung pakiramdam na bigla na lang nawala yung isang bagay matagal nang nasayo??

Kunwari nasa kwebang madilim ka..
At ang tanging ilaw mo at gabay sa dilim ay isang lumang gaserang lampara...
Nang ilang hakbang ka na lang mula sa labasan, biglang gumuho ang lupa at ang akala mong magiging gabay mo palabas ang siya pang sisira sa iyo...
Ang lamparang iyon ang susunog sa balat na siya sanang magliligtas sa akin..
Ang masama pa dun, imbis na nawalaka nalang ay tuluyan pang nadarama ang sakit na dulot ng mga sunogm galos, sugat,at bali sa katawan...


Madilim ang paligid...
Tahimik..
Walang ibang makausap kundi ang naghihingalong puso...


Bigyan sana ako ng tanda o "sign" kung ano ang tama at kung ano ang dapat kong gawin...


Sana isang araw...
May pumasok sa kwebang yon na hindi na gaserang lampara ang dala, kundi ang ilaw ng pag-asa na magsasaba sa naghihingalong katawan at damdamin...




Ok...

Ang emo nun...

wala lang..

hahahaha..

kayo na bahalang uminitndi ng mga post ko from this point onwards...

:D

hehehehe...


dahil hindi ako magsasabi ng mga bagay na straightforward..

:D


sige...

enjoy reading..

:D

No comments: