Tuesday, July 31, 2007

ano ngayon??

Hahahaha....

Patawad sa gulong dinulot ko sa sarili ko...

nakapagisip-isip na rin ako...

sa tingin ko, mas maganda kung doon na lang ako sa bagay na nakapagpapasaya sa akin na mgtutulak sa akin na ipagpatuloy pa ang buhay ko ng masaya at maayos...

Ano naman ngayon kung masakit???
Kasama naman sa buhay yon eh...

hindi kumpleto ang buhay kung walang sakit na nararamdaman...


siguro nga tanga ako...

pinili ko yung gusto ko kaysa sa kung ano ang tama...



hahahaha...


sabi nga ni Aureus Solito nung ininterview ko siya...
"Follow your hearts and follow your dreams.."


Pipilitin ko na lang na itama kung may mga mali...

kung may masamang mangyari sa hinaharap, sige nakahanda ako...


Basta ang alam ko, masaya ako...



Miss na kita... hehehehe....

Buti na lang nakita't nakilala kita...


Salamat..

Salamat sa Diyos..

Salamat sa'yo...



nakapagdesisyon na si Bawang...
ikatlong pahina---Talambuhay ni Bawang---Ika-31 ng Hulyo

Naguguluhan ako...

Hayyyy....

Perio na bukas at ganun nga....
Pero ano pang inaatupag ko?? Pagba-blog??


Eh kasi naman...
Dito lang ako nakakapaglabas ng aking mga sama ng loob sa buhay, sa pag-aaral, at sa pag-ibig --- na sana meron....


Naguguluhan ako...

Imbis na pag-aaral, iba't ibang mga di makabuluhang bagay ang laman ng puso at isipan ko...


Naguguluhan ako...

Ganito ba talaga ang pakiramdam ng kaysa ang sarili ay ibang bagay ang iniisip??

Hindi ko kayang ituon ang atensyon ko sa isang bagay...

Pero kapag itinuon ko ang atensyon ko sa bagay na mas gusto ko, iba ibang bagay na nakakasakit ng damdamin ang natutuklasan ko.. Masakit, pero ganun talaga eh...


Hayyy.. Bakit ganon??


Naguguluhan ako...

Siguro..

Kaysa tahasan akong masaktan at mahila pababa ng kawalan ng pokus at konsentrasyon, siguro mas maganda na ibaling ko na lang ang atensyon sa bagay na mas importante at mas may kabuluhan kung saan baka may pag-asa pang umunlad ang buhay ko...

Naguguluhan ako...

Patawad...

Pero...

Hindi ko kaya...

Hindi ako makapagdesisyon...

Naguguluhan na ako...



Kawawang Bawang
Ikalawang Pahina---Ika-31 ng Hulyo--Talambuhay ni Bawang

Monday, July 30, 2007

Unang araw... Unang Post

Hmmmm...

Unang post ko sa blog...

Hindi ko muna aayusin kasi una pa lang naman to... Medyo late na nga siguro itong paggwa ko ng blog pero ok lang naman siguro...

Ngyaon ko lang uumpisahan ang pagkakaroon ng isang online journal o isang talambuhay ko...

Sisikapin kong araw araw na magpost dahil maraming mganda, masaya, malungkot, kagilagilalas, at kung anupaman na nangyayari sa araw araw ng buhay ko...

Pasensya kung walang definite theme ang blog ko kasi gagamitin ko lang naman to na isang diary ko na rin...

Hahahaha...



Basta...

Promise mas maganda posts ko sa susunod...

At take note, uulan ng tagalog words kapag ianyos ko na blog ko...


So...


iyon lang...


July 30, 2007 - unang araw sa talambuhay ni bawang....