Tuesday, July 31, 2007

Naguguluhan ako...

Hayyyy....

Perio na bukas at ganun nga....
Pero ano pang inaatupag ko?? Pagba-blog??


Eh kasi naman...
Dito lang ako nakakapaglabas ng aking mga sama ng loob sa buhay, sa pag-aaral, at sa pag-ibig --- na sana meron....


Naguguluhan ako...

Imbis na pag-aaral, iba't ibang mga di makabuluhang bagay ang laman ng puso at isipan ko...


Naguguluhan ako...

Ganito ba talaga ang pakiramdam ng kaysa ang sarili ay ibang bagay ang iniisip??

Hindi ko kayang ituon ang atensyon ko sa isang bagay...

Pero kapag itinuon ko ang atensyon ko sa bagay na mas gusto ko, iba ibang bagay na nakakasakit ng damdamin ang natutuklasan ko.. Masakit, pero ganun talaga eh...


Hayyy.. Bakit ganon??


Naguguluhan ako...

Siguro..

Kaysa tahasan akong masaktan at mahila pababa ng kawalan ng pokus at konsentrasyon, siguro mas maganda na ibaling ko na lang ang atensyon sa bagay na mas importante at mas may kabuluhan kung saan baka may pag-asa pang umunlad ang buhay ko...

Naguguluhan ako...

Patawad...

Pero...

Hindi ko kaya...

Hindi ako makapagdesisyon...

Naguguluhan na ako...



Kawawang Bawang
Ikalawang Pahina---Ika-31 ng Hulyo--Talambuhay ni Bawang

No comments: